Database ng sex offenders pinabubuo ni Sen. Jinggoy Estrada

By Jan Escosio January 30, 2023 - 11:10 AM

 

Ipinanukala ni Senator Jinggoy Estrada ang pagkakaroon ng database ng sex offenders sa bansa.

Aniya layon ng inihain niyang Senate Bill 1291 na masubaybayan ang sex offenders sa komunidad.

Magiging madali din aniya sa mga awtoridad na makakuha ng impormasyon, gayundin ang kanilang ‘foreign counterparts.’

Sa kanyang isinusulog na National Sex Offender Registry Act ang database ay bubuuin at hahawakan ng Department of Justice (DOJ)

Maglalaman ito aniya ng mga impormasyon ng mga mahahalagang impormasyon ng sex offender na nasa bansa at may ‘acces’ dito ang PNP, NBI at iba pang ahensiya na nagpapatupad mg mga bansa.

Maari din, ayon pa kay Estrada, na maibahagi ang mga impormasyon sa ibang bansa kung kakailanganin.

“Hindi layon ng panukalang batas na ito na hiyain ang mga convicted sex offenders, bagkus, ang layunin nito para makatulong sa pagbabala sa komunidad sa kinakailangang proteksyon ng mga bata at lipunan sa krimen na kagagawan ng mga sexual predators,” aniya.

TAGS: database, DOJ, sex-offenders, database, DOJ, sex-offenders

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.