Binabalak ng Department of Migrant Workers (DMW) na kasuhan anuman araw ngayon linggo ang mga recruitment agencies na kumuha sa Filipina domestic helper na brutal na pinatay sa Kuwait.
Ayon kay Usec. Bernard Olalia ang pagsasampa ng kaso ay base sa mga nakalap ng impormasyon ukol sa sinapit ni Jullebee Ranara.
Nabanggit nito na ang kaso ay mag-uugat sa kabiguan ng mga ahensiya na masubaybayan ang kalagayan ni Ranara.
Ngayon linggo ay makikipag-pulong din ang DMW sa recruitement agencies na nagpapadala ng mga Filipino sa Kuwait para magtrabaho bilang domestic household service workers.
Ayon kay Olalia ang lahat ng mga isyu na may kaugnayan sa deployment ay siguradong matatalakay sa pulong.
Noong Biyernes ng gabi naiuwi na sa bansa ang mga labi ni Ranara at sasailalim ito sa awtopsiya ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ang 17-anyos na anak ng kanyang ama na itinuturo na responsable sa brutal na krimen ay hawak na ng awtoridad sa Kuwait.