118th Independence Day celebration kasado na

Independence day
Inquirer file photo

Muling sinuyod kaninang umaga ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Presidential Security Group (PSG) ang paligid ng Luneta Park kaugnay sa pagdiriwang bukas ng 118th Philippine Independence Day bukas, June 12.

Ganap na alas-otso ng umaga bukas ay pangungunahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang pagtataas ng bandila ng bansa.

Gaganapin naman ang simultaneous flag raising ceremony sa mga lugar na naging bahagi ng pagpapatatag ng ating kalayaan na kinabibilangan ng  Kawit, Cavite; Malolos, Bulacan; Angeles, Pampanga; Davao City; Cebu City; at iba pang bahagi ng Metro Manila.

Ang pagdiriwang ngayong taon ay may temang “Kalayaan 2016: Pagkakaisa, Pag-aambagan, Pagsulong,”

Magaganap din bukas ang simultaneous jobs fair na pangungunahan naman ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Nauna nang sinabi ng pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) na libre ang sakay s akanilang mga tren mula 7AM hanggang 9AM at susundan ito ng mula 5PM hanggang 9PM.

Read more...