Mahigit 1,000 magsasaka sa Eastern Visayas, nabigyan na ng titulo ng lupa

By Chona Yu January 28, 2023 - 01:19 PM

 

Aabot sa 1,571 ektaryang lupa ang ipinamahagi ng Department of Agrarian Reform sa 1,006 agrarian reform beneficiaries sa Eastern Visayas.

Mismong sina Senador Imee Marcos at DAR Secretary Conrado Estrella III ang namahagi ng 1,047 land titles sa mga benepisyaryo mula sa anim na probinsya sa Eastern Visayas.

Isa sa mga nakinabang si Elvira dela Pena Hallazgo mula sa Brgy. Gibacungan, Tabango, Leyte.

“Taos-puso kaming nagpapasalamat sa DAR para sa mga titulo ng lupa upang kami ay maging opisyal na magmay-ari ng lupang aming binubungkal sa loob ng matagal na panahon,” pahayag ni dela Pena.

Sinabi naman ni Marcos na marami sa mga magsasaka ang naghintay ng ilang dekada bago nakuha ang titulo.

Nanawagan pa ang Senador para sa modernisasyon ng mga sakahan upang mapalakas ang produksyon ng pagkain sa rehiyon.

“Kailangan nating pagbutihin ang ating programa sa mekanisasyon at bigyan ang ating mga magsasaka ng mga kinakailangang gamit tulad ng pataba at mga hybrid na binhi,” ayon kay Marcos.

Sinabi ni Estrella na patuloy na ilalapit ng DAR ang pamahalaan sa mga tao at ipararamdam sa mga ARB na ang kanyang ahensya ay laging handa para tulungan sila.

“Huwag po ninyong ibenta ang inyong mga lupain. Lahat ng suportang serbisyo ay ipagkakaloob sa inyo ng ating mahal na Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Gawin ninyong mas produktibo at panatilihin ang mga iginawad sa inyong mga lupain upang kayo ay maging self-reliant food producers ng bansa,” ani Estrella.

 

TAGS: DAR, eastern visayas, Imee Marcos, lupa, news, Radyo Inquirer, titulo, DAR, eastern visayas, Imee Marcos, lupa, news, Radyo Inquirer, titulo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.