Mga labi ng pinatay na OFW sa Kuwait, naiuwi na sa Pilipinas

By Chona Yu January 28, 2023 - 09:23 AM

 

Dumating na bansa ang mga labi ng overseas Filipino worker na pinatay at ginahasa sa Kuwait.

Sakay ng Flight EK 334 nang dumating ang mga labi ni Jullebee Ranara saa PAIR PAGS Cargo sa Pasay City bandang 9:40 kagabi.

Isasailalim sa autopsy sa National Bureau of Investigation ang mga labi ni Ranara.

Una rito, sumailalim na rin saa autopsy si Ranara sa Kuwait.

Sa naturang report, nabatid na ginahasa at nabuntis si Ranara ng 17 anyos na Kuwaiti na anak ng kanyang amo.

Natagpuan ang mga labi ni Ranara na sunog at itinapon sa disyerto.

 

TAGS: buntis, kuwait, news, pinatay, Radyo Inquirer, rape, buntis, kuwait, news, pinatay, Radyo Inquirer, rape

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.