Pitong Chinese crew na-rescue ng PCG sa Samar

By Chona Yu January 27, 2023 - 01:51 PM

 

Pitong Chinese crew na palutang-lutang sa karagatan ng Suluan Island, Guiuan, Eastern Samar ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard.

Sakay ang pito sa Chinese fishing vessel na FV KAI DA 889.

Ayon sa PCG, nakatanggap ng tawag ang kanilang hanay na nagpapasaklolo ang pitong dayuhan.

Bilang miyembro ng international community ng civilized maritime nations, agad na sinaklolohan ng PCG ang pitong Chinese kung saan agad na ipinadala ang BRP Cabra (MRRV-4409).

Matapos matiyak na ligtas ang pitong Chinese, agad na silang dinala sa Tacloban Port.

Nabatid na may sira ang fishing vessel ng mga Chinese.

Hindi pa matukoy ng PCG kung saan galing ang mga Chinese at kung paano napadpad sa karagatan ng Pilipinas.

 

TAGS: chinese, news, PCG, Radyo Inquirer, Samar, chinese, news, PCG, Radyo Inquirer, Samar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.