Bagong DSWD Secretary tutol sa death penalty ni Duterte

By Den Macaranas June 11, 2016 - 08:42 AM

taguiwalo-620x348
Inquirer file photo

Ipinaliwanag ni incoming Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Judy Taguiwalo na tutol siya sa gagawing pagpapatupad ng death penalty at lalo na sa extra-judicial killing.

Ipinaliwanag ng opisyal na kabilang ang mga isyung ito sa kanilang ipinaglaban noong panahon ng Martial Law.

Sinabi ni Taguiwalo na may mga pamamaraan para parusahan ang mga nagkakasala sa batas at kasama dito ang pagbibigay ng tinatawag na due process.

Si Taguiwalo na dating Professor sa University of the Philippines ay kabilang sa mga nominado ng National Democratic Front sa Duterte administration.

Aminado rin si Taguiwalo na hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa rin niya ang magiging government policy ni Duterte lalo na sa mga isyung may kinalaman sa humang rights.

Samantala, sinabi ni Taguiwalo na tututukan niya sa kanyang pag-upo sa DSWD ang mga nagkalat na street children.

Ipinaliwanag din ng opisyal na hindi niya itatago sa mga mata ng dayuhan ang tunay na sitwasyon ng kahirapan sa mga lansangan tulad ng ginagawa ng kasalukuyang administrasyon kapag may dumadalaw na mga head of states sa bansa.

TAGS: Death Penalty, dswd, duterte, taguiwalo, Death Penalty, dswd, duterte, taguiwalo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.