Pilipinas aapela sa ICC Appeals Chamber

 

 

Iaapela ng pamahalaan ng Pilipinas ang pasya ng International Criminal Court na ituloy ang imbestigasyon sa anti-drug war campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, dudulog ang kanilang hanay sa ICC Appeals Chamber para harangin ang imbestigasyon.

Ginawa ni Guevarra ang pahayag matapos payagan ng ICC ang hirit ng prosecutors na ituloy ang imbestigasyon.

Pero ayon kay Guevarra, hanggang ngayon, wala pang natatanggap na official copy ang kanilang hanay mula sa ICC.

“We have received information that the pre-trial chamber of the ICC has authorized the ICC prosecutor to resume investigation into the philippine situation,” pahayag ni Guevarra.

“While we have not received an official copy of this resolution, it is our intention to exhaust our legal remedies, more particularly elevating the matter to the ICC appeals chamber. We wish to emphasize that our own domestic investigative and judicial processes should take precedence, and we can show that despite structural and resource limitations in our legal system, it is still a well-functioning system that yields positive results in its own time,” dagdag ni Guevarra.

 

 

Una nang hinarang ng pamahalaan ng Pilipinas ang imbestigasyon ng ICC matapos igiit na hindi na kailangan na makialam pa ang international court dahil gumagana naman ang sistema ng hudikatura sa bansa.

 

Read more...