Mga biktima ng pagbaha sa Zamboanga del Norte, inayudahan ng DSWD
Namahagi ng ayuda ang Department of Social Welfare and Development sa mga biktima ng pagbaha dulot ng low pressure area sa Sibuco, Zamboanga del Norte.
Mismong si DSWD Officer-in-Charge Undersecretary Edu Punay ang personal na namahagi ng food at non-food items pati na ang financial assistance sa mga apektadong residente.
Nasa 2,000 na Family Food Packs, 500 hygiene kits at 500 slepping kits ang ipinamahagi sa mga residente sa pamamagitan ng local government unit ng Sibuco.
Nasa 153 na pamilya naman na nasiraan ng bahay ang nakatanggap ng pinansyal na ayuda ng P10,000 habang 180 pamilya na partially damaged ang mga bahay ay nakatanggap ng P5,000 na ayuda.
Galing ang pondo sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD.
Nilagdaan din ni Punay ang Memorandum of Agreement kasama si Sibuco Mayor Joel Ventura para sa prepositioning ng relief goods sa lugar bilang bahagi ng LGU’s disaster preparedness measures.
Samantala, nasa 412 flood victims mula Zamboanga City ang nakatanggap ng P5,000 na ayuda.
As of January 25, nasa P66.8 milyong halaga ng ayuda na ang naipamahagi ng DSWD sa mga apektado ng LPA sa Mindanao at Northeast Monsoon sa Luzon at Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.