Lapid may panukala na free transport ng relief goods
Naghain ng panukala si Senator Lito Lapid na ang layon ay malibre sa bayad sa padala ang mga relief goods.
Ani Lapid ang libreng padala ay limitado lamang sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad at ito ay para sa mabilis na pagpapadala ng mga tulong.
Sa kanyang Senate Bill 1767, magiging mandato ng common carriers, freight forwarders at mga katulad na negosyo na magdeliver ng libre ng relief goods sa mga nasalantang lugar.
“Sa panahon ng sakuna at trahedya, wala tayong ibang aasahan kundi ang ating mga kababayan na busilak ang loob at wagas ang kabutihan. Sa ating panukalang batas na ito, nais natin na makatuwang ang ating mga kapatid sa industriya ng freight forwarding kung saan malaki ang kanilang gagampanan sa ating hangaring maghatid ng tulong sa ating mga kababayan sa panahon ng mga kalamidad,” aniya.
Ang ‘Free Transportation of Relief Goods Act,’ ayon pa kay Lapid, ay kanyang isinusulong dahil sa isang archipelago ang Pilipinas at may mga hamon sa pagpapadala ng tulong sa mga isla.
“With the help of officially accredited relief groups, this measure aims to formalize a system of offering free freight services for the transfer of aid supplies to disaster-stricken areas,” banggit pa nito sa kanyang panukala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.