DMW may balak na rebisahin ang labor agreement ng Pilipinas, Kuwait
Inanunsiyo ng Department of Migrant Workers (DMW) ang plano na baguhin ang kasunduan sa pagitan ng PIlipinas at Kuwait kasunod nang pagkamatay ng isa pang overseas Filipino worker (OFW).
Ayon kay Usec. Bernard Olalia pag-aaralan kung paano mas mabibigyan ng proteksyon ang OFWs sa ilali, ng labor cooperation agreement.
Noong 2018 nang ikasa ang kasunduan kung saan nakasaad ang mga karapatan ng OFWs, kabilang na ang karapatan na itago ang kanilang passport at pagkakaroon ng linya ng komunikasyon.
Pinirmahan ito kasunod nang pagpapatupad ng Pilipinas ng deployment ban sa Kuwait bunga nang pagkakadsikubre sa freezer ng bangkay ng isang OFW, si Joanna Demafelis, sa bahay ng kanyang amo.
Noong nakaraang linggo natagpuan ang bangkay ni Jullebee Ranara sa disyerto sa Salmi, Al-Jaraha na sunog.
GInahasa pa diumano si Ranara at buntis nang patayin.
Ayon kay Olalia magpapadala sila ng isang grupo sa Kuwait para makipag-ugnayan sa mga awtoridad hinggil sa planong pagrebisa sa kasunduan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.