Ex-Duterte security chief hawak ng Philippine Army
Kukuhanin ng Philippine Army (PA) sa kanilang kustodiya si Brigadier General Jesus Durante III, gayundin ang kanyang deputy na si Michael Licyayo.
Ito ang sinabi ni Army chief, LGen. Romeo Brawner Jr., matapos mapabilang ang dalawa na ‘persons of interest’ sa pagpatay sa Davao-based model na si Yvonne Chua Plaza noong nakaraang Disyembre 29.
Sinabi pa ni Brawner na posible na humarap sa military court sina Durante, Licyayo at anim sa kanilang mga tauhan sa 1001st Brigade.
Aniya may custodial center ang PA at doon maaring manatili ang mga sangkot habang nililitis ang kanilang kaso.
Si Durante III ay namuno sa Presidential Security Group (PSG) noong administrasyong-Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.