Marcos payag na maging bahagi ng Duterte administration

duterte-marcos
Inquirer file photo

Handa si Sen. Bongbong Marcos na maglingkod bilang cabinet member kay incoming President Rodrigo Duterte makalipas ang isang taon na ban sa pagtanggap ng pwesto sa pamahalaan ng mga natalong kandidato sa nakalipas na halalan.

Sinabi ni Marcos na isang malaking karangalan para sa kanya na maging bahagi ng Duterte administration.

Inabot ng madaling araw kanina ang pulong nila ni Duterte sa “After Dark” Bar sa Davao City kung saan ito ang kanilang muling pagkikita makalipas ang May 9 election.

Ayon sa Mambabatas, siya ay natuwa sa sinabi ni Duterte na hindi niya bibigyan ng pwesto sa pamahalaan si incoming Vice President Leni Robredo dahil ayaw niyang masaktan ang damdamin ni Marcos.

Pero paglilinaw ng Senador na ang pagbibigay ng pwesto kay Robredo ay prerogative ni Duterte at hindi niya ito idinikta sa bagong halal na pangulo ng bansa.

Kabilang din sa napag-usapan ng dalawa ay ang paglilibing sa Libingan ng mga Bayani ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Read more...