Chalk Allowance ng public school teachers nais ni Sen. Bong Revilla na pagtibayin

By Jan Escosio January 26, 2023 - 07:16 PM

Naghain ng panukala si Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., para mapagtibay na ang ‘chalk allowance’ ng mga pampublikong guro.

Sa pinamunuan niyang pagdinig ng Committee on Civil Service, sinabi ni Revilla na gusto niya ay hindi na galawin ang teaching supplies’ allowance ng mga guro sa taunang General Appropriations Act.

“The lasting impact of our teachers in the lives and future of our children cannot be overemphasized. Sa gabay nila nagsisimulang umusbong ang karunungan ng ating mga anak. Nararapat lamang na tutukan natin ang mga pangangailangan ng ating mga guro, sapagkat ang pagtutuon ng sapat na pansin sa kanilang kapakanan ay nangangahulugan din ng mataas na pagpapahalaga sa mga hinuhubog nilang mga kabataan at tinatanaw nating kinabukasan.” ani Revilla.

Diin ng senador napakahalaga na hindi napapabayaan ang kapakanan ng mga guro.

“It is mandated by no less than the Constitution that the education sector shall have the highest allocation in our budget. It also provides that we have to ‘ensure that teaching will attract and retain its rightful share of the best available talents through adequate remuneration and other means of job satisfaction and fulfillment.’ Ang mga panukalang tatalakayin natin sa umagang ito ay pagsasabuhay sa takda ng ating Konstitusyon, at makakatulong sa pagtulak at pagkamit ng kapwa nating adhikain para sa ating mga guro,” dagdag pa nito.

Sa inihain niyang Senate Bill No. 22, hiniling niya madagdagan ang chalk allowance na P5,000 sa ngayon hanggang sa P10,000 sa School Year 2024-2025.

Dapat aniya na libre ito sa income tax para na rin sa 962,869 teaching personnel ng DepEd.

“This was already approved by the Senate on Third Reading last Congress. Pinag-aralan at hinimay natin itong mabuti nang isinalang sa plenary deliberations. Nakita naman natin na buo ang suporta ng Senado na maisabatas na ito. Ito na ang tamang panahon – handang-handa na ang Teaching Supplies Allowance upang maging isa nang ganap na batas,” sabi pa ng senador.

 

TAGS: chalk allowance, DBM, deped, public school teachers, Senate, chalk allowance, DBM, deped, public school teachers, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.