Granada sumabog sa riot ng mga kabataan sa Cavite City, 3 patay

By Jan Escosio January 26, 2023 - 07:00 PM

DENVER CHUA FB PHOTO

Nasayang ang buhay ng tatlong kabataan sa pagsabog ng isang granada sa isang rumble kagabi sa lungsod ng Cavite.

Ayon kay Mayor Denver Chua dalawang grupo ng mga kabataan sa Barangay Sta. Cruz ang nasangkot sa kaguluhan.

Aniya nang rumesponde ang mga barangay tanod isa sa mga sangkot ang may hawak na granada at nagbanta na pasasabugin ito kapag siya ay hinuli.

“Sa taranta ng suspect, ito ay kanyang nabitawan at naging dahilan ng pagsabog. Pitong katao ang natamaan sa pagsabog kung saan merong tatlong nasawi at 4 pa ang nasa ospital hangang sa mga oras na ito kabilang ang suspect na nakahulog ng granada,” ani Chua. Tatlo ang namatay, samantalang may apat pa nasugatan at ginagamot ngayon sa ospital. Bunga ng pangyayari, inanunsiyo ni Chua ang pagpapatupad ng curfew sa mga nasa edad 18 pababa, alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling, simula ngayon. Pinulong kanina ni Chua ang mga magulang ng mga sangkot na kabataan kasabay nang paghingi ng panalangin para sa mga biktima.

TAGS: cavite, Explosion, granada, Kabataan, cavite, Explosion, granada, Kabataan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.