Gusto ni Senator Raffy Tulfo na magkaroon ng ‘health rating system’ sa food packages para malaman ng mga Filipino ang mga nutrisyon na pumapasok sa kanilang katawan.
Sa inihain niyang panukala, bukod pa ito sa ‘standard nutritional facts’ na mababasa na ngayon sa food packagings.
Sa kanyang Senate Bill 1684. sa health rating system, 1 para sa hindi masyadong masustansiya at 5 naman sa pinakamasustansiyang pagkain.
Ito ay kukuwentahin sa kabuuang nutritive value ng pagkain tulad ng total energy, sutarated fat, sodium, sugar at fiber.
“This approach aims to arm Filipinos with the necessary information on the nutritional content of the food they choose to consume on a daily basis and in turn lessen their susceptibility to life threatening diseases,” aniya.
Lahat ng packaged food products kailangan ay may health rating maliban sa mga sariwang pagkain, condiments; non-nutritive foods, single-ingredient foods,, nakakalasing na inumin, formulated products para sa mga sangool at bata maging ang mga pagkain na para sa ‘special medical purposes.’
Ang manufacturers ang magpapadala sa Food and Drug Administration (FDA) ng health rating ng kanilang produkto.