Health rating system sa mga food packages inihirit ni Sen. Raffy Tulfo

By Jan Escosio January 26, 2023 - 06:39 PM

PDI PHOTO

Gusto ni Senator Raffy Tulfo na magkaroon ng ‘health rating system’ sa food packages para malaman ng mga Filipino ang mga nutrisyon na pumapasok sa kanilang katawan.

Sa inihain niyang panukala, bukod pa ito sa ‘standard nutritional facts’ na mababasa na ngayon sa food packagings.

Sa kanyang Senate Bill 1684. sa health rating system, 1 para sa hindi masyadong masustansiya at 5 naman sa pinakamasustansiyang pagkain.

Ito ay kukuwentahin sa kabuuang nutritive value ng pagkain tulad ng total energy, sutarated fat, sodium, sugar at fiber.

“This approach aims to arm Filipinos with the necessary information on the nutritional content of the food they choose to consume on a daily basis and in turn lessen their susceptibility to life threatening diseases,” aniya.

Lahat ng packaged food products kailangan ay may health rating maliban sa mga sariwang pagkain, condiments; non-nutritive foods, single-ingredient foods,, nakakalasing na inumin, formulated products para sa mga sangool at bata maging ang mga pagkain na para sa ‘special medical purposes.’

Ang manufacturers ang magpapadala sa Food and Drug Administration (FDA) ng health rating ng kanilang produkto.

 

TAGS: FDA, Health, nutritional information, pagkain, rating, FDA, Health, nutritional information, pagkain, rating

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.