E-visa services sa Chinese, Indian, Japanese at South Korean citizens pinapalawak ni PBBM Jr
Inatasan ni Pangulong Marcos Jr. ang mga kinauukulang agensiya na palawigin ang e-visa para sa mga Chinese, Indian, South Korean at Japanese nationals. para maakit ng Pilipinas ang tourism markets ng mga ito.
Ginawa ng Pangulo ang utos sa pakikipagpulong sa Private Sector Advisory Council (PSAC) Tourism Sector group sa Malakanyang.
Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil, inirekomenda ng PSAC kay Pangulong Marcos Jr. na isama sa visa-upon-arrival program ang Indian nationals at palawigin ang e-visa.
Sa ngayon, available lamang ang naturang programa sa Taiwanese, Chinese, South Korean, at Japanese nationals.
Sa naturang pagpupulong, sinabi ni Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo na nakikipag-ugnayan na ang kanilang hanay sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa e-visa.
Samantala, mayroon namang ibinibigay ang Pilipinas na 14-day visa upon arrival sa Americans, Japanese, Australian, Canadians, at Europeans.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.