Higit 50,000 SIM ‘pinutol’ ng Globe dahil gamit sa panloloko

By Jan Escosio January 26, 2023 - 05:28 PM

Milyong-milyong cellphone users ang nailigtas ng Globe sa mga spam at scam texts noong nakaraang taon.

Ito ay dahil 20,225 SIMs ang kanilang na-deactivate, samantalang may 33.333 SIMs naman ang kanilang na-block dahil gamit sa mga panloloko noong nakaraang taon.

Dagdag pa ito sa halos 2.72 bilyon na scam at spam messages na naharang noong 2022 kung saan ang 83.4 milyon ay may kaugnayan sa mga bank transaction.

Bago pa man maisabatas ang SIM Registration Act, nagsasagawa na ng mga hakbang ang Globe para protektahan ang mga kostumer laban sa scam messages at iba pang fraudulent activities gamit ang mga SIM.

“Globe recognizes the growing threat posed by scammers, who use various tactics, including text messages, to deceive innocent victims into giving up personal information that could be used to compromise their financial accounts. We will continue to invest in our cybersecurity program to protect our customers from these unscrupulous individuals,” sabi ni  kay Anton Bonifacio, Chief Information Security Officer ng Globe.

Sa programa, mabilis na dine-deactivate ang mga SIM sa ilalim ng network  sa sandaling ma-detect na may kinalaman ito sa fraud. Gayundin, ang mga SIM naman sa labas ng network ng Globe ay automatic na blacklisted para hindi na makapag-send ng messages sa mga Globe subscribers.

Patuloy na nakikipagtulungan ang Globe sa iba’t ibang financial institutions para mabilis na maharang ang mga kahina-hinalang SMS.

Mayroon ding Stop Spam portal ang Globe kung saan maaaring mag-report ang mga kostumer kapag nakatanggap ng spam at scam messages.

TAGS: Globe, scam, spam, text, Globe, scam, spam, text

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.