Imported na galunggong dumating na, ayon sa BFAR

By Chona Yu January 26, 2023 - 05:13 PM

PDI PHOTO

Nasa bansa na ang 55 porsyento ng 25,056.27 metrikong tonelada ng galunggong na pinayagan ng gobyerno na iangkat.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), dumating ang mahigit 13,000 metrikong tonelada ng galunggong habang ipinatutupad ang closed fishing season sa Northeast ng Palawan.

Sa ngayon, nasa P280 ang presyo ng lokal na galunggong kada kilo habang nasa P220 hanggang P240 ang presyo ng imprted na galunggong.

Ipinatutupad ang closed fishing season noong Nobyembre 1 at tatagal ng hanggang Enero 31.

Bukod sa galunggong, pinayagan din ng BFAR ang pag-aangkat ng bigeye scad, mackerel, bonito, at moonfish.

TAGS: BFAR, closed season, Galunggong, imported, BFAR, closed season, Galunggong, imported

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.