Separation pay sa foreign POGO workers ibinilin ng DOLE
Hindi lamang ang mga Filipinong manggagawa na mawawalan ng trabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ang mabibigyan ng benepisyo kundi maging ang mga dayuhang manggagawa na nagtatrabaho sa Pilipinas.
Ito ay kung magpapasya si Pangulong Marcos Jr. na ipasara ang oeprasyon ng POGOs sa bansa sabi ni i Labor Usec. Benjo Santos Benavidez na nakasaad sa Labor Code ng Pilipinas na babayaran ng kompanya ang separation pay ang mga Filipino at mga dayuhang manggagawa na mawawalan ng trabaho.
Ayon kay Benavidez, isang buwan na sahod ang ibabayad sa kada taon na serbisyo ng isang empleyado.
Bukod dito, ayon pa sa ospiyal, maari ring makakuha ng unemployment insurance benefit ang mga Filipinong manggagawa sa Social Security System (SSS).
Makukuha aniya ito, dalawang buwan matapos maging epektibo ang termination sa trabaho.
Maari rin aniyang tulungan ng DOLE ang mga Filipinong manggagawa na makahanap ng ibang trabaho
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.