Red Tide alert sa ilang baybayin sa bansa

Positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide ang ilang baybaying dagat sa bansa. ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Positibo sa red tide ang coastal waters sa Milagros sa Masbate; Panay; President Roxas at Pilar sa Capiz;  Dauis at Tagbilaran sa Bohol; Domanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Gayundin sa San Pedro Bay sa Samar at Cancabato Bay sa Tacloban City.

Pinapayuhan ang mga residente na iwasang kumain ng shellfish lalo na ang alamang.

Maari namang kainin ang isda, pusit, at alimango basta’t hugasan at luting mabuti.

Sinabi pa ng BFAR, na kailangang tanggalin ang hasang at kaliskis ng isda bago lutuin at kainin.

Read more...