Sebn. Win Gatchalian: Mga ‘kasamaan’ ng POGOs lumabas sa survey
Anim sa bawat 10 Filipino ang nagsabi na walang mabuting naidudulot sa bansa ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Ito ang binanggit ni Sen. Sherwin Gatchalian base sa resulta ng Pulse Asia survey na isinagawa sa huling bahagi ng 2022.
Aniya, 58 porsiyento ng respondents ang nagsabi na sa kanilang palagay ay nakakasama sa bansa ang POGOs sa ibat-ibang kadahilanan.
Kabilang na ang pagkalat ng ibat-ibang bisyo, pagdami ng mga krimen na iniuugnay sa POGOs, hindi pagbabayad ng buwis, ang dumadaming Chinese sa POGOs sa bansa, pagkawala ng oportunidad sa mga Filipino at ang pagtaas ng upa.
May 19 porsiyento naman ang nagsabi na sa kanilang palagay ay may pakinabang ang POGOs.
“The survey results are an important piece of data that we will take into consideration as the data represents the sentiments of our people and provides relevant insights on the issue at hand,” ani Gatchalian.
Ngayon ay inaasikaso na ni Gatchalian, bilang pinuno ng Committee on Ways and Means, ang committee report base sa mga isinagawang pagdinig ukol sa mga epekto ng patuloy na operasyon ng POGOs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.