Pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr., ang paggawad ng one-star kay Presidential Security Group commander, Brigadier Gen Ramon Zagala sa Malakanyang.
Ito ay matapos ma-promote ang ranggo ni Zagala sa one star general at kabilang si Zagala sa 22 senior officers ng Armed Forces of the Philippines na nabigyan ng promosyon kamakailan. Bago naging PSG commander, nagsilbi si Zagala bilang tagapagsalita ng AFP at naging aide- de- camp ni dating Pangulong Estrada. Matatandaang personal choice ni Pangulong Marcos si Zagala na maging PSG commander at humawak na rin ito ng ibat-ibang posisyon sa PSG. Tumanggap na rin si Zagala ng ibat-ibang pagkilala at parangal sa kanyang ‘administrative and combat duties.’MOST READ
LATEST STORIES