Pangulong Marcos Jr., isinusulong ang Magna Carta for Barangay Health Workers
Nais ni Pangulong Marcos Jr. na magkaroon ng Magna Carta for Barangay Health Workers. para sa ikabubuti ng kanilang kalagayan. “I’m also happy to say, I was with the PLLO [Presidential Legislative Liaison Office] yesterday and kasama na doon sa napasa na na mga batas ay isa doon was the Magna Carta for Barangay Health Workers. Kaya’t malaking bagay ‘yan,” pahayag ni Pangulong Marcos. Sabi pa niya; “Kami na dumaan sa local government… will never argue with the importance of the barangay health workers and for that matter all the volunteers at the barangay level at ang BHW– siyempre kayo pinakamarami. Lalo na ngayon na maraming sakuna, we know that we can always count on the BHW.” Isa ang Magna Carta for Barangay Health Workers sa mga panukalang batas na inaprubahan na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Kinilala ng Punong Ehekutibo ang naging papel ng BHWs sa kasagsagan ng pandemya dulot ng COVID 19. “I do not know how the government will function without the barangay health workers, without the lupon, without the daycare center workers, lahat ng volunteer workers natin. ‘Yun ang inaasahan talaga ng pamahalaan, ang mga volunteers na tumutulong sa gobyerno at nagdadala ng serbisyo sa gobyerno,” sabi pa ng Pangulong Marcos Jr. Nakipagpulong kahapon ang Pangulo sa mga Barangay Health Workers sa Palasyo ng Malakanyang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.