Nueva Vizcaya, muling niyanig ng magnitude 4.8 na lindol

nueva vizcaya lindolMuli na namang nakaramdam ng magnitude 4.8 na lindol ang lalawigan ng Nueva Vizcaya, alas-2:52 kaninang madaling araw.

Tectonic ang sinasabing pinagmulan ng lindol na may lalim na limang kilometro.

Naitala ang Intensity II sa Baguio City, pero ilang mga netizens ang nag-post ng kani-kanilang karanasan at nagsabing naramdaman rin ito sa bahagi ng Tarlac at ilan pang kalapit na probinsya.

Ayon sa PHIVOLCS, ito ay aftershock ng magnitude 5.0 na lindol na naramdaman rin kahapon sa Nueva Vizcaya.

Bagaman mahina lamang ang naitalang intensity at wala namang naitalang anumang pinsala, pinag-iingat pa rin ang publiko dahil may posibilidad pa na magkaroon muli ng aftershocks.

Read more...