Dating pulis sa ‘Dacer-Corbito double murder case’ nabitag 

NCRPO PHOTO

Makalipas ang mahigit dalawang dekada na pagtatago, natunton ng mga pulis ang dating kasamahan na isinasnagkot sa pagpatay sa Public Relations man Salvador Dacer at sa driver nitong si Emmanuel Corbito noong Nobyembre 2000 sa Makati City.

Isinilbi kay dating SPO1 William Reed ang warrant of arrest para sa kasong double murder sa Barangay Poblacion sa Pulilan, Bulacan.

Ang warrant of arrest ay inilabas ni Judge Rodolfo Ponferrada ng Manila RTC Branch 41 noong Mayo 25, 2001 at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nabatid na kabilang si Reed sa most wanted person (national level) at may nakalaan pabuyang P250,000 para sa kanyang pagkakahuli.

Read more...