34% porsiyento ng mga Filipino sinabing gumanda ang buhay sa pagsasara ng 2022

By Jan Escosio January 26, 2023 - 07:54 AM

Dumami ang mga Filipino na nagsabing bumuti ang kanilang buhay, base sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey sa huling tatlong buwan ng nakaraang taon.

Lumabas na 34 porsiyento ang nagsabi na bumuti ang kanilang pamumuhay at mataas ito kumpara sa naitala sa katulad na panahon noong 2021.

May 26 porsiyento naman ang nagsabi na sumama pa ang kondisyon ng kanilang buhay samantalang 39 porsiyento ang naniwala na walang pagbabago.

Ang porsiyento ng mga nagsabing bumuti ang kanilang buhay ay mababa pa rin ng 10 puntos kumpara sa naitala bago ang pandemya.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 Filipino.

Ito ay may sampling error margins na ±2.8% sa national percentages at ±5.7% sa  Metro Manila, Balance Luzon,  Visayas, at Mindanao.

TAGS: mahirap, survey, SWS, mahirap, survey, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.