Presyo ng mga gamot, stable naman – DOH

By Jan Escosio January 25, 2023 - 07:37 PM

PDI PHOTO

Sa kabila nang pagtaas ng marami sa mga pangunahing bilihin, sinabi ng Department of Health (DOH) na nanatiling ‘stable’ ang presyo ng mga gamot.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire regular ang pagbabantay nila sa presyo ng mga gamot para malaman na sapat ang suplay sa merkado.

Pagbabahagi pa niya, mga hypertensive medicines ang nagkaroon ng maliit na dagdag sa presyo noong nakaraang buwan.

Aniya ito naman ay dahil sa inflation at mahinang halaga ng piso kontra sa dolyar.

“Ang mga gamot ay within the market system kung saan kapag nagkaka-inflation, devaluation ng piso, siyempre commodity yan tataas, bababa depende sa pagtaas at pagbaba din ng inflation,” paliwanag pa nito.

 

TAGS: doh, medicines, stable, supply, doh, medicines, stable, supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.