Kakulangan sa trabaho iniapila ni Sen. Joel Villanuena sa gobyerno, pribadong sektor
Nanawagan si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa mga kinauukulang ahensiy ng gobyerno gayundin sa pribadong sektor na kumilos para matugunan ang isyu ng kawalan ng trabaho sa bansa.
Ani Villanueva kailangan ng 1.7 milyong karagdagang trabaho kada taon kayat isinusulong niya ang inihain niyang Senate Bill No. 129 o ang “Trabaho Para sa Lahat ng Pilipino Act.”
Ang panukala ang magbibigay daan para sa pagbuo ng National Employment Action Plan (NEAP), ang direksyon sa paglikha ng mga trabaho.
“The solution is right before us, and it starts with the government and the private sector taking the same path in combatting unemployment and drawing up plans to provide a decent source of livelihood for our people,”aniya sa pagbubukas niya sa pagdinig ng Senate Committee on Economic Affairs,
“We hope that through the establishment of the framework for our National Employment Action Plan, and with the help of our co-workers in the government and our partners in the private sector, we can create at least 1.7 million jobs annually,” dagdag pa nito.
Binanggit naman niya na bumaba na ang unemployment rate sa bansa ngunit nakakabahala pa rin ang underemployment rate.
“What we aim for our people are not just temporary gigs, but quality, decent jobs that can sustain families,” sabi pa nito.
Ilan sa mga ipinanukala ni Villanueva na naging batas ay ang Department of Migrant Workers law (RA 11641); Tulong Trabaho Act (RA 11230); First Time Jobseekers Assistance Act (RA 11261); Telecommuting Act or Work-From-Home Law (RA 11165); aat Doktor Para sa Bayan Act (RA 11509).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.