Inaresto ng mga tauhan ng Taguig City Police ang isang sinasabing miyembro ng Tiñga drug group kamakailan.
Nabatid na isinilbi ang search warrant na inisyu ng Taguig RTC Branch 15 sa bahay sa P. Mariano St., sa Barangay Ususan.
Nakuha sa 56-anyos na si Bernardo Tiñga ng isang kalibre .45 na baril, mga bala at diumanoy shabu na nagkakahalaga ng P95,000.
“Taguig has a very strong anti-illegal drugs stance. In fact, Mayor Lani Cayetano herself has a marching order for the city to be rid of these illegal substances. We assure the public that the Taguig Police will not rest until we achieve this goal,” ani Taguig City Police chief, Col. Robert Baesa.
Ilang miyembro na ng sinasabing Tiñga drug group ang naaresto, kasama ang iba pang high-value drug personalities sa lungsod.
Magugunita na noong 2016, nasentensiyaha ng korte si Joel Tiñga dahil sa pagbebenta ng droga, gayundin ang isang Ely Tiñga, na asawa ng isang Noel Tiñga, na pinsan ni dating Mayor Freddie Tiñga, noon naman sumunod na taon.
Noong 2020, sa ikinasang buy-bust operation ay naaresto ang isang Patrick Ace Tiñga dahil sa P20 milyong halaga ng shabu.