Overhaul sa Immigration Bureau inihirit ni Sen. Risa Hontiveros

By Jan Escosio January 25, 2023 - 11:39 AM

SENATE PRIB PHOTO

Nais ni Senator Risa Hontiveros na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa  Bureau of Immigration paniniwalang  may mga koneksyon sa kagawaran ang Chinese mafia.

Hiniling din nito na magkaroon ng balasahan sa kagawaran para sa proteksyon na rin ng mga Filipino na umaalis ng bansa.

“Marami nang napabalitang nasibak pero tuluy-tuloy parin ang pagre-recruit ng mga Pilipino para mangscam. May mga contact pa ba ang sindikato sa loob ng BI? Bakit hindi ito maampat?,” tanong ng senadora.

Sinabi nito na nang ibunyag niya ang Pastillas scam ay ipinanawagan na niya ang balsahan sa BI ngunt tila walang nagbago gaya na lamang ng ilegal na pagpapadala ng mga Filipino sa Cambodia at Thailand.

Maari aniya na suriin ang Immigration Modernization bill para mas maging epektibo ang Immigration Bureau sa pamamagitan ng taas-suweldo ng mga kawani at immigration system updates.

Kasabay nito, sinabi din ni Hontiveros na dapat ay magpaliwanag ang Facebook dahil sa social networking site nag-uugat ang ‘trafficking’ ng mga Filipino.

“Facebook needs to be answerable for these trafficking schemes that are perpetrated on their platform. The company has to be aware of this modus and be on the lookout for these kinds of posts. I-take down o i-block na dapat ang mga accounts o posts na mga ito para hindi na makapag-recruit pa ng Pilipino,” dagdag pa ng senadora.

TAGS: facebook, human trafficking, reshuffle, facebook, human trafficking, reshuffle

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.