Sisertipikahang urgent bill ni Pangulong Marcos Jr. ang panukalang E-Governance Act of 2022.
Ayon kay Private Sector Advisory Council (PSAC) Digital Infrastructure Sector Lead and Union Bank of the Philippines (UnionBank) Chief Technology and Operations Officer Henry Aguda, base sa pakikipagpulong ng kanilang hanay kay Pangulong Marcos sa Malakanyang, nangako ang Punong Ehekutibo na suportado niya ang naturang panukala.
Layunin ng panukalang batas na gawing digital na ang mga transaksyon sa gobyerno.
Sa ngayon, nakabinbin pa sa committee level ang pagtalakay sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na iniakda ng anak ni Pangulong Marcos na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos at pinsan na si House Speaker Martin Romualdez.
“The certification as urgent of the E-Governance Act is a vital step in the right direction towards becoming a digital nation. It also provides the impetus to the PSAC Digital Infrastructure Sector’s work plan. We are encouraged by the President’s commitment to shaping a future-ready nation and look forward to seeing the positive impact it will have on every Filipino,” sabi pa ni Aguda.
Nakasaad sa panukalang batas na hinihikayat ang pribadong sektor na makiisa sa pag-digitalized sa pamamagitan ng pagbibigay ng resources, assets, at services.