No-contact apprehension program dinepensahan ng OSG sa SC

Hindi maituturing na pahirap sa mga motorista ang ‘no contact apprehension policy (NCAP).

Ito ang pagdedepensa ni Solicitor General Menardo Guevarra sa kontrobersyal na polisiya sa pagpapatuloy ng ‘oral arguments’ sa Korte Suprema.

Pagdiiin ni Guevarra ang pagpapataw ng mga multa ay alinsunod sa itinakda sa Local Government Code.

“Because there is an expressed provision there that local government units are authorized to impose fines and other penalties, in the case of cities, in an amount not exceeding ₱5,000,” sabi pa ni Guevarra.

Nilinaw din niya na hindi pinagkakitaan ng LGUs ang sinisingil na mga multa sa NCAP dahil ang mga ito ay ipinambabayad lamang din sa private service providers na kinuha ng LGUs para maipatupad ang NCAP.

Kinontra naman si Guevarra ng abogadong si Junman Paa na sinabing ang P2,000 hanggang P5,000 mula sa mga paglabag sa batas-trapiko ay napakabigat para sa nakakaraming motorista.

Si Paa, kasama ang apat na transport groups, ang kumuwestiyon sa Korte Suprema sa pagpapatupad ng NCAP ng mga pamahalaang-lungsod ng Maynila, San Juan, Valenzuela, Muntinlupa, Quezon at Paranaque.

 

Read more...