‘Indie Princess’ Mercedes Cabral, bida sa Kuwaiti teleserye

By Kabie Aenlle June 11, 2016 - 04:13 AM

mercedes cabralBumibida na ngayon sa isang teleserye sa Kuwait ang tinaguriang “Indie Princess” na si Mercedes Cabral.

Ayon sa kaniyang manager na si Shandii Bacolod, ipinapalabas na sa buong Middle East ang soap opera na “Saq Al-bambu” o “The Bamboo Stalk,” kung saan gumaganap si Cabral bilang isang Pilipinang kasambahay na nagta-trabaho sa Kuwait.

Mapapanood sa buong buwan ng Ramadan ang nasabing serye tungkol sa kasambahay na minahal ng anak ng kaniyang amo ngunit pagbabawalan ito ng magulang nito.

Bukod naman kay Cabral, naroon din si Maria Isabel Lopez, Lou Veloso, Lilia Cuntapay, Ana Abad Santos, Sue Prado at Rhen Escaño.

Gumawa pa ng ingay si Cabral sa social media, matapos siyang umani ng mga papuri mula sa mga netizens na humanga sa kaniyang ganda, tulad ng ilan ni ikinumpara pa siya sa model na si Gigi Hadid.

Hindi naman na bago kay Cabral ang pag-sama sa mga projects sa ibang bansa dahil minsan na rin siyang bumida sa pelikulang “Thirst” sa South Korea noong 2009, at “Rosita” sa Denmark noong 2015.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.