26 miyembro ng New People’s Army sumuko sa NCRPO

 

Sa harap ni Interior Secretary Benhur Abalos nanumpa ng kanilang katapatan sa gobyerno ang sumukong 26 miyembro ng New People’s Army (NPA).

Naganap ang pormal na pagbabalik-loob ng sa gobyerno ng 26 rebelde sa Hinirang Hall sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ngayon hapon. Naging tulay sa pagsuko ng mga rebelde si Police Col. Roman Cardino, ng NCRPO – Regional Intelligence Division. Tinanggap at binati ni Abalos ang mga dating rebelde at pinangakuan ito ng mga tulong ng gobyerno sa kanilang pagbabagong buhay. Isa sa mga sumuko ang ibinahagi na nasayang ang dalawang dekada niyang pakikipaglaban sa gobyerno dahil sa maling ideolohiya.

Read more...