26 miyembro ng New People’s Army sumuko sa NCRPO

By Jan Escosio January 24, 2023 - 05:52 PM

 

Sa harap ni Interior Secretary Benhur Abalos nanumpa ng kanilang katapatan sa gobyerno ang sumukong 26 miyembro ng New People’s Army (NPA).

Naganap ang pormal na pagbabalik-loob ng sa gobyerno ng 26 rebelde sa Hinirang Hall sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ngayon hapon.
Naging tulay sa pagsuko ng mga rebelde si Police Col. Roman Cardino, ng NCRPO – Regional Intelligence Division.
Tinanggap at binati ni Abalos ang mga dating rebelde at pinangakuan ito ng mga tulong ng gobyerno sa kanilang pagbabagong buhay.
Isa sa mga sumuko ang ibinahagi na nasayang ang dalawang dekada niyang pakikipaglaban sa gobyerno dahil sa maling ideolohiya.

TAGS: benhur abalos, news, NPA, Radyo Inquirer, sumuko, benhur abalos, news, NPA, Radyo Inquirer, sumuko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.