Coco Martin bagong endorser ng RiteMed

By Chona Yu January 24, 2023 - 05:13 PM

 

Ipinakilala ng RiteMed ang actor-director na si Coco Martin bilang bagong brand ambassador.

Napili si Coco para ipagpatuloy ipagpatuloy ang adbokasiya ng tinaguriang Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces na bigyang kapangyarihan ang masa sa pagpili ng dekalidad ngunit abot-kayang mga gamot.

Sinimulan ni Coco ang bagong TV commercial sa pamamagitan ng linyang: “Ang sabi ng lola ko, ‘wag mahihiyang magtanong…at hanapin ang check”. Ito ay bilang pagbibigay pugay kay Ms. Susan at pagpapaalala na rin sa kulturang Pilipino na pakikinig sa mga payo ng mga nakakatandang mahal sa buhay.

Nabatid na mula nang pumanaw si Ms. Roces noong Mayo 2022, nagsagawa ng mahaba at masusing proseso ang RiteMed sa paghahanap ng bagong endorser.

Si Coco, na naging bayani ng masa dahil sa kanyang papel sa “FPJ’s Ang Probinsyano”, na marahil ay isa sa pinakamatagal na soap opera sa kasaysayan ng Philippine TV, ang lumabas bilang hands-down choice.

“Maraming maraming salamat po sa pagtitiwala. Napakalaking obligasyon po itong ipinasa po sa akin.” pahayag ni Coco sa kanyang speech noong contract signing.

Binigyang-diin ng aktor-direktor ang naiwan na legasiya ni Ms. Susan Roces at kung paano siya naging boses ng bawat Filipino lalo na pagdating sa abot-kayang pangangalaga sa kalusugan.

“Sobrang laki po ng naging impact. Alam naman po natin na mahirap ang buhay, lagi tayo nag-iisip kung paano makakamenos at paano pa rin natin maitatawid yung pangangailangan lalo na sa kalusugan. Kasi si Tita Susan, silang mag-asawa ni FPJ, parang sila yung simbolo ng bawat Pilipino eh, na kapag may sinabi sila o may ginawa, lahat nakikinig. Napakalaking impluwensya nila sa mga Filipino, kaya ingat na ingat si Tita Susan talaga sa mga paggawa niya ng mga proyekto at kung ano man ang mga ineendorso niya, lalo na po itong RiteMed,” pahayag ni Coco

Ayon kay Atty. Jose Maria A. Ochave, presidente ng RiteMed, “Labing isang taon na ang nakakaraan nang makuha namin bilang brand ambassador si Ms. Susan and it was one of the best decisions that we’ve made. “Hindi lang siya naging mukha at boses kung hindi co-creator pa ng aming brand. Yung lighter tone ng Huwag Mahihiyang Magtanong’ ay kanyang idea. At ito na nga ang naging adbokasiya ng RiteMed simula noon, pagbabalik tanaw niya.”

“Ang RiteMed ay nailunsad noon matapos ang hiling ng ating gobyerno. Akala kasi ng mga tao ay sub-standard ang mga generics. Ginusto naming pataasin ang antas ng mga generics dahil ang mga tao ay gustong ma-associate sa brands dahil ang isang brand ay kumakatawan sa tiwala. Parang pangalan iyan. Mahirap magtiwala sa hindi mo kilala, sabi nga ni Ms Susan,” ayon kay Atty. Ochave.

 

 

 

TAGS: Coco Martin, endorser, Susan Roces, Coco Martin, endorser, Susan Roces

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.