Pagpapauwi sa mga labi ng pinatay na Pinay household service worker sa Kuwait, minamadali

By Jan Escosio January 24, 2023 - 01:09 PM

 

Sinabi ni Migrant Workers Secretary Susan ‘Toots’ Ople na minamadali na ang pagpapabalik sa Pilipinas ng mga labi ng Filipina household service worker, na brutal na pinatay sa Kuwait.

Ayon kay Ople, ito ay dahil hawak na ng awtoridad ang suspek, ang 17-anyos na anak ng amo ni Jullebee at ito ay kinilalang si Turkey Obaid Al-ajmi.

Dagdag pa ng kalihim nay ugnayan na sila ng pamiya ni Ranara at nagsimula na rin na bigyan nila ng suporta at tulong ang mga ito.

Aniya, naipaliwanag na sa mga pamilya ang death at burial assistance na kanilang matatanggap.

Base sa mga paunang ulat, ginahasa si Ranara, na ang sunog na bangkay ay natagpuan sa isang disyerto.

Nadiskubre din sa awtopsiya na buntis si Ranara.

TAGS: kuwait, Migrant, news, ofw, Radyo Inquirer, susan ople, kuwait, Migrant, news, ofw, Radyo Inquirer, susan ople

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.