Umakyat na sa 38 katao ang nasawi dahil malawakang pag-ulan sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, tatlo katao ang nadagdag sa talaan ng mga nasawi dahil sa low pressure area.
Sa naturang bilang, 12 ang nasawi sa Zamboanga Peninsula, tig-walo sa Bicol Region at Northern Mindanao, at pito sa Eastern Visayas.
Tig-isa naman ang nasawi sa Mimaropa, Davao Region, at Soccsksargen.
Nasa 12 katao naman ang naiulat na nasugatan habang lima ang nawawala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.