Halaga ng sibuyas bumaba sa P200/kilo dahil sa pagdating ng imported onions

BOC File Photo
Inaasahan na anumang araw ngayon linggo ay mailalako na sa mga pamilihan ang mga inangkat na sibuyas.   Binanggit ng Department of Agriculture (DA) na bumagsak na sa pinakamababa na P200 kada kilo ng pulang sibuyas sa ilang palengke sa Metro Manila.   Ayon pa sa kagawaran mula sa pinakamataas na higit P700 kada kilo dahan-dahan na bumaba ang presyo ng sibuyas nang ianunsiyo ng gobyerno ang pag-aangkat ng higit 21,000 metriko tonelada ng sibuyas.   Sinabi ni Bureau of Plant Industry Dir. Glenn Panganiban dumating noong nakaraang Biyernes ang unang batch ng imported na sibuyas.   Aniya hinihintay na lamang ang clearance para maipamahagi na sa mga palengke ang mag sibuyas.   Pag-aaralan pa rin ang itatakdang halaga ng imported na sibuyas.

Read more...