Agricultural expert sa DA top post ikinatuwa ni Sen. Grace Poe

By Jan Escosio January 24, 2023 - 12:08 PM

Senate PRIB photo
Positibo kay Senator Grace Poe ang inihayag ni Pangulong Marcos Jr., na isang agricultural  expert ang dapat na mamumuno sa Department of Agrculture (DA).   Ayon kay Poe, ang pahayag na ito ni Pangulong Marcos Jr.,  ay isang magandang development para sa sektor ng agrikultura.   Umaasa lang din ang senadora na masipag, may tunay na kakayahan at responsable ang iuupo ni Pangulong Marcos Jr., sa kagawaran.   Iginiit ni Poe na ang DA ngayon ay nasa sentro ng isa sa pinakamalaking hamon na kinakaharap ng bansa, ang inflation na dulot ng patuloy na pagtaas sa presyo ng pagkain.
  Kaya naman sinabi ni Poe na mahalagang tahakin ng ahensya ang direksyon tungo sa pagpapataas ng produksyon at pagkamit ng food self-sufficiency ng bansa sa pamamagitan ng pagtatalaga ng isang kalihim na hands-on at may kakayahang tumugon sa pangangailangan ng mga magsasaka, mangingisda at mga konsyumer.   Dagdag pa ni Poe, mahalaga din na ang uupong kalihim ay may ‘moral ascendancy’ at  tapang na sugpuin ang korapsyon sa loob ng ahensya.

TAGS: Agriculture, grace poe, news, Radyo Inquirer, secretary, Agriculture, grace poe, news, Radyo Inquirer, secretary

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.