Sen. Alan Cayetano sinabing dapat ipatigil na ng gobyerno ang POGOs

By Jan Escosio January 24, 2023 - 11:38 AM
Nanawagan si Senator Alan Peter Cayetano sa gobyerno na wakasan na ang lahat ng Philippine offshore gaming operations (POGOs).   Katuwiran ni Cayetano na nagdudulot lamang ng negatibong epekto ang POGOs sa lipunan.   “We must put a stop to POGOs because ‘yang industry na ‘yan has become a breeding ground for illegal activities such as money laundering, and there have been multiple reports of kidnapping and even murder of those working in the industry,” dagdag pa ni Cayetano.   Sa halip din aniya na makatulong sa ekonomiya ng bansa, nakasama pa sa reputasyon ng Pilipinas ang presensiya ng POGOs.   Nabanggjt nito na maging ang gobyerno ng China ay kontra sa offshore gaming operations dahil marami sa kanilang mamamayan ang nalululong.   Sa pagdinig kahapon ng  Senate Committee on Ways and Means nadiskubre na  nadedehado ang gobyerno sa uaapin sa pagbabayad ng buwis ng POGOs.   “Kahit magkano ang pera na ipakita mo sa ‘kin, hindi magbabago ang personal posisyon ko na dapat hindi payagan ang gambling dahil masama yan sa lipunan,” aniya.

TAGS: Alan Cayetano, news, POGO, Radyo Inquirer, Alan Cayetano, news, POGO, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.