P81-B halaga ng droga nakumpiska sa 2023 police anti-illegal drugs operations

Sa unang 16 araw ng bagong taon, umabot na sa P81 bilyon ang halaga ng ibat-ibang droga na nakumpiska ng pambansang pulisya.   Ito ang ibinahagi ni PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., at aniya resulta ito ng ikinasang 1,831 police operations.   Bukod dito, may 2,518 drug offenders din ang naaresto at 146 sa kanila ay high-value targets.   Pagdidiin ni Azurin kabilang sa kanilang mga prayoridad ang anti-illegal drugs operations at target ay mabawasan ng husto ang suplay ng droga sa mga kalsada.   Gayundin ang rehabilitasyon, pagpapagamot at pagsasanay kasabay nang pagtugis sa bigtime drug traffickers.

Read more...