Sen. Pimentel kinuwestiyon paghuhugutan ng Maharlika Fund

By Jan Escosio January 24, 2023 - 11:14 AM
Hindi mapalagay si Senate Minority Leader Koko Pimentel na walang malinaw na pondong mapagkukunan para sa isinusulong na Maharlika Investment Fund (MIF) Bill.   Base sa sinasabing bagong plano, huhugutin ang ‘fund sources’ ng sovereign wealth fund sa dividendo ng mga government-owned and controlled-corporations (GOCC).   Bukod dito, balak din ipasok ang initial public offering (IPO) o ang pribadong sektor para pagkukunan ng pondo ng Maharlika bill.   Pagdidiin ni Pimentel hindi ito ang opisyal na bersyon ng Kamara na inaprubahan noong nakaraang taon.   Pangamba ng senador, lalong lalaki ang kakulangan sa budget ng bansa dahil ang kita mula sa mga GOCCs na inilalagay din sa taunang pambansang pondo ng pamahalaan ay mababawasan pa habang patuloy naman ang pagtaas ng mga  gastos ng bansa.   Maaring magresulta aniya ito sa pagtaas ng utang ng bansa dahil hahanap nanaman ng ibang mapagkukunan ng pondo para lamang mapunan ang mga programa at mga proyekto.   Punto pa ni Pimentel, maling-mali ang konsepto ng panukalang batas dahil ang pagkakaroon ng sovereign wealth fund ay kung mayroong surplus o sobra-sobrang pondo ang pamahalaan.

TAGS: GOCC, Koko Pimentel, Maharlika, news, Radyo Inquirer, GOCC, Koko Pimentel, Maharlika, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.