Bank scammers pinaaaksyunan sa NBI at BSP

By Chona Yu January 24, 2023 - 10:51 AM

Pinaaaksyunan na ng isang consumer group sa National Bureau of Investigation at sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang paglaganap ng bank scammers sa bansa.

Ayon kay Jake Silo, Secretary General ng ACTION, dapat na paigtingin ng NBI at BSP ang pagsasagawa ng malawakang information campaign laban sa bank scammers.

Marami pa rin kasi aniya sa mga depositors ang nabibiktima ng phishing at iba pang bank fraud online, kung saan walang kamalay-malay ang mga biktima na binibigay na pala nila ang mga bank details nila sa mga kriminal.

Ayon kay Silo, ang masaklap pa, kapag nabiktima ang mga depositors, magpopost pa sila sa social media kasama ang litrato ng passbook at iba pang bank details, kaya lalo pa silang nagiging target ng di lang ng bank fraud, kundi na rin identity theft.

Sabi ni Silo, panahon na upang paigtingin ng NBI at BSP ang trabaho nito na protektahan ang mga depositors laban sa mga bank syndicates. Hindi sapat, aniya, na i-asa na lang ng NBI sa mga bangko ang kampanya laban sa bank fraud dahil makakaling sindikato ang kadalasang nasa likod nito.

Pinapurihan naman ng consumer group na ACTION ang NBI dahil nairaos nito ang panahon ng kapaskuhan kung saan walang pumutok na matinding kasi ng bank fraud, tulad ng nangyari noong mga nakalipas na taon.

Ayon kay Silo, ang kawalan ng major bank fraud case ay bunga ng nakikipagtulongan ang NBI sa mga bangko at BSP upang mapigilan na malusutan sila ng mga sindikato, lalo na sa Pasko, kung saan maraming pera sa bangko ang mga empleyado at mga kaanak ng mga OFW.

Gayunpaman, dapat at maging alerto pa rin ang NBI sa mga kaduda-dudang insidente sa mga bangko, lalo na’t posibleng mitsa ito ng malawakang bank scam.

Bilang halimbawa, dapat daw imbistigahan ng NBI ang nangyari lang kamakailan sa isang sikat na bangko, kung saan nagkanda-gulo ang record ng laman sa bank account ng mga depositors.

Bagamat naayos rin naman ang mga records, dapat imbistigahan ito ng NBI para malamang kung may posibleng kahinaan sa sistema ang nasabing bangko na maaaring gamitin ng mga foreign bank syndicates.

 

 

 

 

TAGS: BSP, NBI, news, phishing, Radyo Inquirer, scammers, BSP, NBI, news, phishing, Radyo Inquirer, scammers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.