Pangulong Marcos sa Senado: Pag-aralan ang Maharlika Investment Fund

 

Humihirit si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Senado na suriing mabuti ang sovereign welth fund o ang Maharlika Investment Fund.

Ayon sa Pangulo, isang magandang panukalang batas ang Maharlika Investment Fund at hindi basta na lamang na ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“Ang message ko sa Senado, suriin ninyo nang mabuti para magandang-maganda ‘yung batas natin. Suriin ninyo nang mabuti. Siyempre, mas maganda na matapos sa lalong madaling panahon. Pero hindi naman dapat imadali dahil napakaimportante lahat ng mga ilala – bawat salita na ilalagay mo doon sa batas na ‘yun may kabuluhan ‘yun. Hindi mo basta’t puwedeng ano, “O tama na ‘yan, okay na.” Kailangan talagang pag-aralan nang mabuti ‘yun,” pahayag ng Pangulo.

Malaki ang tiwala ng Pangulo sa mga Senador dahil alam naman nila ang kanilang trabaho.

Tiyak aniyang pag-aaralan ng mabuti ng mga Senador ang naturang panukala.

“But in terms of schedule, nag-release ng statement si Senate President na baka by Holy Week matapos na. Maganda ‘yun. That would be good. But, ako sa akin, mas importante na maging tama kaysa maging mabilis. So kailangan gawin nating tama. Kahit na – lahat naman masyadong matagal eh. Pero basta’t makuha – we have to get it right. We cannot make that – getting it wrong would be a very poor – would be a very bad mistake,” pahayag ng Pangulo.

Matatandaang idiniga na ni Pangulong Marcos sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland ang Maharlika Investment Fund para makaakit ng mga dayuhang mamumuhunan.

 

Read more...