19-anyos na kolehiyala naatrasan ng truck sa eskuwelahan, patay

By Jan Escosio January 23, 2023 - 09:10 PM
WIKIPEDIA PHOTO

Namatay ang isang 19-anyos na babaeng estudyante ng Cavite State University Main Campus sa Indang, Cavite matapos maatrasan ng isang delivery truck kaninang tanghali.

Kinilala ang biktima na si Elaiza Tesoro, ng Barangay Luciano, sa naturang bayan.

Apat na estudyante pa ang nasugatan sa insidente na naganap alas-11:25 ng umaga sa Salusoy Resort.

Naaresto naman si Federico Baculan, ang driver ng Elf truck na may plakang SKM 564.

Base sa ulat, nag-aaral ang mga biktima malapit sa swimming pool nang mabangga ng truck.

Inamin ni Baculan na hindi niya naiangat ang hand brake ng sasakyan kayat umabante ito.

 

 

TAGS: cavite, estudyante, truck, cavite, estudyante, truck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.