Taguig LGU nagtalaga ng ‘public open space’ para sa kalusugan ng mamamayan

By Jan Escosio January 23, 2023 - 08:56 PM

DOH PHOTO

Nakipagkasundo ang pamahalaang-lungsod ng Taguig sa ibat-ibang ahensiya ng gobyerno para sa pagtatalaga ng public open spaces sa lungsod.

Pinangunahan ni Mayor Lani Cayetano ang pagpirma sa Joint Administrative Order na may titulong ‘ “Guidelines on the Creation and Use of Parks and Public Open Spaces for the Promotion of Physical and Mental Health and Well-Being During and After the COVID-19 Pandemic.’ Ilan lang din sa mga pumirma ay mga opisyal ng Department of Health, Department of the Interior and Local Government, Department of Tourism, Department of Environment and Natural Resources, Department of Housing at Department of Public Works and Highways. Paliwanag ni Cayetano layon ng joint administrative order na makapagtalaga ng ‘health parks and public open spaces’ na magagamit ng mga mamamayan sa pagpapanatili ng magandang pangangatawan at kalusugan. Pagbabahagi pa ng opisyal may plano na para makapagtayo ng mga katulad na parke sa iba pang bahagi ng lungsod partikular na ang mga nasa gilid ng Laguna de Bay.

TAGS: kalusugan, open spaces, parks, public, kalusugan, open spaces, parks, public

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.