Ito’y taliwas sa mga unang nai-ulat na kasama sa mga kakausapin ng incoming Duterte administration ang nasabing bandidong grupo.
Sa kaniyang Facebook account, sinabi ni Dureza na nais niyang linawin at itama ang balita ng ilang media outlets tungkol sa umano’y pagiging bukas niya sa pakikipag-negosasyon sa ASG at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Paliwanag ni Dureza, totoong nagkaroon siya ng pagkakataon na direktang pakipag-negosasyon sa Abu Sayyaf, ngunit ito ay para lamang pakiusapan ang mga ito na palayain ang kaibigan niyang Canadian na si John Ridsdel na binihag at pinugutan ng ulo ng grupo.
Gayunman aniya, hindi naman siya bukas sa pakikipag-usap sa mga ito katulad ng kaniyang pakikipag-negosasyon sa CPP-NPA-NDFP at Bangsamoro.
Giit pa ni Dureza, kailangang mapanagot ang Abu Sayyaf sa kanilang mga krimen.